to de
daddy, madaya ka. nangiwan ka. sabi mo pupuntahan mo ako dito. sabi mo excited ka na pumunta dito kahit malayo ako, kahit matagal yung biyahe. sabi mo you cant wait na bilhan kita ng packs and packs ng white hanes t-shirt mo. excited na din ako pakita sa iyo yung buhay ko dito. pero ngayon, di na pwede. pano nyan, di man lang kita makikita ulit. im sorry de. hindi ako makakauwi. sorry talaga. sana wag ka mag tampo sa akin ha. alam mo naman na love na love kita. i just wish i couldve done more for you. im sorry for leaving without even kissing you. sana the last time i talked to you i said i love you. sana you know that i do.
i love you daddy.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home